Bunot
Pawis na pawis na lumabas galing eskuwelahan si Andoy, puno ng kulay pulang mantsa ang uniporme nito.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ng kanyang tatay.
"Cleaners po kasi ako," sagot naman ng bata.
"Tignan mo puro floor wax na 'yang uniform mo, mahirap maglaba anak!" Sabay kuskos ng ama sa mga mantsang nasa damit ng bata.
"Akin na nga 'yang bag mo," sabi ng tatay ni Andoy.
"Ako na po, kaya ko na po," pagmamatigas naman ng bata.
"Ako na, bigat na bigat saka pawis na pawis ka na nga e! Punasan mo 'yang pawis mo." Tinanggal ng ama n'ya ang bag n'ya sa likuran saka isinukbit sa sariling likuran.
"Ang bigat naman nito! Ano ba ang laman nito?" muling tanong ng tatay n'ya.
Binuksan ni Andoy ang bag na nasa likuran ng ama saka sumilip.
"B-Bunot po!" pagulat na sagot ng walang kaalam-alam na bata.
Kasabay nito ay maririnig na nagsasalita ang Principal sa speakers na nakapalibot sa paaralan.
"Kung sino man po ang nakakaalam kung nasaan ang batang si Bon Dela Cruz o kilala sa tawag na "Bunot", mangyaring magpunta sa office."
"Tay... Si Bunot po..."
©Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento