Tagpuan
Ni Kuya IanUna kitang nakitang nag-iisa ka
Kinakausap ang mga luhang tumutulo sa 'yong mukha
Walang maririnig na salita
Ngunit naintidihan ko ang nararamdaman mo sa malalalim mong paghinga.Nilapitan kita at pinilit pumasok sa sarili mong espasyo
Nabasag ang katahimikan nang abutan kita ng libro
Ngumiti ka pabalik sa akin na para bang ang ibig-sabihin non ay babasahin mo na agad ito mamayang gabi bago ang oras ng pagtulog mo
Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ang kuwento
Hanggang sa tuluyan nang lumabas ang kinang sa mga mata mo.Kinabukasan,
Nakita kita sa may pasilyo
Ngunit bakit noong makita mo ako ay bigla kang napaliko?
Hinayaan at pinalipas ko lang iyon.Ngunit, uwian
Sumilip akong muli sa aklatan
ngunit hindi kita roon natagpuan
Kundi sa kung saan kita madalas matagpuan; sa hagdanan
Naroon ka ngunit wala na ang babaeng umiiyak
Kaya't lumapit ako para matiyak kung ayos ka na ba
Ngunit wala na rin ang babaeng nakausap ko
dahil hindi mo na sinasagot ang mga tanong ko
dahil parang hangin na lang ako sa pagbabalewala mo
Ngunit naroon pa rin ang lungkot na bumabalot sa iyo
Hanggang sa noong tumabi ako
Ay ang s'yang pag-alis mo.Hindi ko kinakaya ang bawat uwiang nakikita kitang luhaan
Binubulong sa hangin ang mga palahaw na hindi nila ginugustong mapakinggan
Tumitingin sa kalangitan, nagtatanong sa kung gaano ba talaga S'ya ka-makapangyarihan?
Tumitingin sa repleksyon sa naglawang luha't tinatanong ang sarili kung bakit halos lahat ng bigat ng mundo'y s'ya ang may tangan?Ginusto kong tulungan ka
ngunit pasensya ka na
kung nahuli ako
Pasensya na kung kasalanan ko...Bakit kasi hindi ko agad nalaman
na lagi kang pinagsasamantalahan ng lalakeng inakala mong una kang poprotektahan?Bakit kasi hindi ko agad nalaman
na minomolestiya ka ng tinuring mong haligi ng tahanan?Bakit kasi hindi ko agad nalaman
na inaabuso ka ng sarili mong kadugo't kalaman?Bakit hindi ko agad nalaman
Na pinatay ka ng sarili mong ama
Ay dahil sa nagseselos na s'ya sa kung anong meron sa ating dalawa?Bakit hindi ko agad nalaman
Na ayaw na ng iyong ama na magkita tayong dalawa
Kaya inilayo ka n'ya sa akin bago tayo muling magkita?Bakit hindi ko agad nalaman
Na kaya pala sa huling araw na nakita kita sa hagdan
Ay ganoon na lamang kung ang mga ngiti mo'y magkinang?Bakit hindi ko agad nalaman
Na kaya pala ganoon ka kasaya
Ay dahil hindi na tayo muling makapagkikita?Bakit hindi ko agad nalaman
Na kaya ka ganon tumawa sa mga biro ko
Ay dahil hindi ko na muling maririnig ang mga halakhak mo?Bakit hindi ko agad nalaman
Na kaya pala ganoon ka makatitig sa aking mga mata
Ay dahil hindi na kita muling makikita?Bakit hindi ko agad nalaman
Na kung paglalayuin tayo ng tadhana
Ay buhay at kamatayan ang magiging agwat natin sa isa't isa?Pasensya na,
Hindi ko agad nalaman.Pasensya na
Kung wala akong nagawa.Pasensya na
Nahuli ako.Ngunit tatandaan mo
Hihintayin pa rin kita palagi
sa ating tagpuan.(Hango sa mga totoong kaganapan sa buhay ni Law Cobain.)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento