(Warning: Korni ang dulo. Maharot na piyesa.)
Iiyak na sana ako kaso...
Ni Kuya IanIiyak na sana ako kaso lalake ako
Ayaw kong makita mo na mahina ako
Na hindi ako singlakas at sintapang ng naiisip mo
At baka isipin mong hindi kita kayang ipagtanggol laban sa mundo.Iiyak na sana ako kaso nasa harap mo ako
Ayaw kong ipakita sa 'yo ang pagtulo ng mga luhang idinulot mo
Hindi ko gustong ipakita sa 'yo kung gaano kita kamahal,
dahil lalake ako
At ayaw kong ipakita na may isang ikaw na kahinaan ko.Iiyak na sana ako kaso nakatitig ka sa mga mata ko,
Ayokong sumabay ka sa pagkalunod ko
Ayokong hindi ka mailigtas sa lalim ng kadilimang nilalamon ako nang buo
Ayokong madamay ka pa sa kalungkutan ko.Iiyak na sana ako kaso nand'yan ka sa tabi ko
Ayokong maramdaman mo ang pangnginig ng katawan ko habang nakahawak ka sa mga braso ko
Ayokong maramdaman mo ang bawat paghikbi ko habang nakaunan ka sa mga balikat ko
Ayokong makita mo ang nakaarko kong mga labi na ikaw ang nagiging dahilan upang ngumiti
Ayoko...Ayokong umiyak dahil nand'yan ka...
Ang isa sa mga dahilan para lumaban ako.Iiyak na sana ako kaso ayoko na
dahil ayaw kong pagurin ang malalambot mong kamay sa pagpunas ng mga luhang manggagaling sa aking mga mata.Iiyak na lang ako sa tamang oras
kung saan mapapasabi akong...
"Iiyak na sana ako kaso nasa gitna ako ng maraming tao,
katabi ang babaeng pinapakasalan ko."credits sa may-ari ng litrato.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento