NADULAS AKO

152 7 0
                                    


NADULAS AKO
ni: Kuya Ian

Pasensya na mahal kung nadulas ako,
Inamin ko agad na mahal kita mula pa noong unang kita sayo,
Ngunit kasalanan ko ba ang madulas ng todo,
at sobrang mahulog na sayo.
Masokista na ba ako kung tawagin,
Kung nais ko ang paulit-ulit na magpahulog sa bangin,
Basta't ikaw ang kapiling?
Pero matatawag ba akong assuming,
Kung ikaw ang nais kong sumalo sa akin?
at kung tubig man ang sasalo sa akin,
Oo, handa ako magpakalunod sa'yo,
Magpakalunod sa nag-uumapaw na damdamin ko,
at kapag nalunod ako sa lalim ng pagmamahal ko,
pwede bang paki-cpr mo ako?
at kung di ka man marunong, pasensya na't masasabi kong patay na ako,
patay na patay sayo.
at oo, alam kong matatapos na ang lahat,
aahon ako't makikita ng lahat,
pero alam kong masasaktan na naman ako't masusunog ang balat,
ito nga siguro 'yong sunburn na tinatawag nila,
at heto ako pasong paso sa init ng sariling pagmamahal ko,
at ramdam ko na ang hapdi sa hindi mo pagsalo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon