"MGA BANAT NA BinANAT PARA LANG SAYO"
ni: Kuya_IanSa bawat bigkas mo ng mga sulat mong TULA,
parang may mali sa akin at bigla na lang akong na- TUtulaLA,
at natuto sa mga tula,
na ikaw ang may akda.ang puso ko'y kanina pa MALAT,
kasisigaw ng pangalan ng isang MAnunuLAT,
at wag ka sanang magugulat,
kung sasabihin kong nasibat ang puso ko ng iyong mga panulat.hawak ko ang SULO sa gitna ng dilim ng gabi,
ako ang magsisilbing SUndaLO na maglalagi sa 'yong tabi,
teka't ipagluluto muna kita sa dala kong KALAN,
kanina pa rin kasi kumukulo ang KALAmnaN ko't
nagugutom at nauuhaw sa iyong pagmamahal.pero alam kong kahit lumiko pa man ako sa kaliwa o KANAN,
alam kong magiging isang malaking KAsalaNAN,
kung unang sulyap pa lang at unang rinig pa lamang,
agad na kitang minahal at naibigan.pero kahit din sabihin na lahat ay PATAS,
ikaw pa rin sa akin ang mangunguna't nag-iisang PAnTAS,
At kahit sabihin na nating lahat ay PAnTAY,
di na maaalis na sayo ako'y PATAY na PATAY.pero laging tatandaan mo,
na ikaw lang ang nag-iisang tao,
na sinulat ,gamit ang mga sugat, sa puso ko,
ang pangalan mo,
at mananatiling bakas at magmamarka ito hanggang sa huling tibok nito.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento