WALANG DIYOS
ni: Kuya IanReverse Poetry
(Basahin pababa)
Walang Diyos
isang malaking kasinungalingan na
Lagi S'yang nariyan
Lagi mong tatandaan na
wala talagang Maykapal
isang kasinungalingan na
nariyan S'ya kahit hindi mo naman nakikita;
to see is to believe
at 'wag kang mabubuhay sa konsepto na
S'ya ang gumawa sa'yo
bigla ka lang lumitaw sa mundo
mas mahirap paniwalaan na
may isang makapangyarihan na sa'yo ay gumawa
lagi kang maniniwala na
hindi totoo ang Ama
Isang kalokohan na
Mahal ka N'ya
'wag mong kalilimutan na
Hindi S'ya totoo
Isang kasinungalingan na
umiiral S'ya
Totoong totoo na
hindi N'ya naririnig ang bawat dasal mo
hindi N'ya naririnig ang bawat hiling mo
hindi N'ya kayang solusyunan ang mga hinaing mo
Maling mali ang iniisip mo na
May D'yos
Talikuran S'ya
Wag mong hayaan ang sarili na
Magdasal
Manalig at
Magtiwala
Kailangan mong
Laging itatak sa isipan na
Hindi totoo ang makapangyarihang Ama
At kasinungalingan na
Totoong may D'yos.
(Basahin pataas)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento