AYAYAY ANG PAG-IBIG

118 9 0
                                    

Ayayay ang pag-ibig
Ni: Kuya Ian

Ayayay ayayay ang pag-ibig
Kapag pumasok sa ulo pampasakit
Ayayay ayayay ang pag-ibig
Pag nagbreak, mga post ay mapait

Ako si Ian-

Ako si Ian
Nagmahal
Nasaktan
Minahal ko ulit

Ako si Ian
Nagmahal
Sinaktan
Nagpakatanga lang ulit

Ako si Ian
Nagmamahal
Sinasaktan
Nagpapakamartir pa rin nang paulit-ulit

Taga-

Tagaiyak
Tagaluha
Tagasigaw
Tagainda ng sakit

Tagasubok
Tagamahal
Tagahabol
Tagatulak ng nararamdaman at tagapilit

Tagahilom
Tagabuo
Tagaayos
Tanga at ako 'yong napunit

At kung tatawagin-

At kung tatawagin, pinaasa po lamang
At kung tatawagin, sinaktan po lamang
At kung tatawagin, naghahabol po lamang
At kung tatawagin, marupok po lamang

At kung sa inuman-

Ikaw pa rin 'yong handa kong iyakan
Ikaw pa rin 'yong handa kong tawagan
Ikaw pa rin 'yong kahit wala mensahe pipilitin kong replyan
Ikaw pa rin 'yong-
Ikaw pa rin 'yong minahal ko simula pa lang
Ikaw pa rin 'yong-
Ikaw pa rin 'yong gugustuhin kong makasama kahit sobra na akong nasasaktan
Ikaw pa rin...

At kung sa babae-

At kung sa babae, ikaw po lamang...
maliban sa nanay kong araw-araw sermon ang handa sa aking umagahan

At kung sa babae, laging nasasaktan
At kung sa babae, ako ay loyal lang
At kung sa babae, sa 'yo po lamang

At kung sa babae, lagi akong pinapalitan...
At kung sa babae, bakit mo ako iniwan?

Ayayay ayayay ang pag-ibig
'Pag nasok sa puso ay masakit
Ayayay ayayay ang pag-ibig
Bakit pa magmamahal kung ang dulot lang sa dulo ay sakit?

At kung sa manloloko-

At kung sa manloloko, pasensya pero ikaw ang clue.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon