Ang akdang ito ay para sa SPA namin sa Journalism nang tatlong taon.
May kilala akong superhero
Wala s'yang kapa pero hindi ko alam kung paano n'ya napapalipad ang mga yeso
kapag maingay na sa kuwartoMay kilala akong lasinggero
Hindi s'ya lasing pero kapag wala nang aaralin?
Ang pulutan ay ang kanyang mga kuwento.May kilala akong sundalo
pero kapag test na?
hindi na puwedeng lumingon sa kanan, kaliwa, kanan, kaliwa, kanan, kaliwa ang mga ulo.May kilala akong clown,
Kapag wala nang masabi?
Nagpapatawa na lang sa klasePero sa lahat ng kilala ko...
May kilala akong parang Duterte Administration,
Galit sa fake news, kaya kapag may mali sa balita mo?
Uulit-ulitin mo kahit makailang intermediate pad pa ang mabili moMay kilala rin akong metikuloso,
Namali nga ang gawa ko kasi puro bura't sulat raw ang gawa ko
Pero mas metikuloso rin sa kwarto
Kaya kapag may nakaligtaan kang linisin, s'ya na ang magtutuloy mismo.May kilala rin akong galante,
Kapag lumalaban nga ako dati?
Sa kan'ya na baon pati pamasaheMay kilala rin ako pero 'di ko mawari kung dieta palagi,
Kasi kapag may pagkain s'ya at dumaan ka sa harapan n'ya
Mag-aalok agad o ibibigay agad sa 'yo kahit di ka pa nakakapagsalitaMay kilala rin akong loyal sa 'yo,
Tatlong taon na akong talo
Pero ipanlalaban pa rin daw sana ako.May kilala rin akong itinuring akong Bataan,
Tatlong beses ko s'yang binigo
Pero hindi pa rin ako isinusukoMay kilala ako hindi naman s'ya nakatira mismo sa pangalawang tahanan ko
Pero naging pangalawang nagulang koMay kilala ako na kayang magbago ng anyo,
Hindi naman s'ya si Ben 10 pero kaya n'yang magtransform sa tatay, kuya, tito, ninong, kaibigan, kapatid o kahit ano
Basta't naipapakita n'ya ang pagmamahal sa 'yo.May kilala ako
At sa tingin ko ay kilala rin ninyo..Salamat Sir Robby Dela Vega
At nakilala ko kayo.Hindi ako sundalo
Pero saludo ako sa inyo.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento