TULAY
ni: Kuya Iangusto ko lang malaman mo
na ayaw ko na na palagi tayong magsasabay
kasi baka kung saan tayo mapatungo
at mapadaan tayo sa tulay ng pag-ibig mo
at baka sa pinagsamang bigat natin ay mahulog ikaw at ako
sa lawa ng pagmamahal mo
at baka gaya ng napapanood mo
na 'pag pinagsama ang dalawang bagay sa likido
ay s'yang pagkadiskubre at pagkalabas ng bagong imbento
at baka mabuo ang 'tayo'
pero kung ako ang tatanungin
ay dito na lang ako
kasama ka
habang naliligo sa lawa ng pagmamahal mo
at magpapatangay na lang ako sa agos ng kuwento
kahit na alam kong kapag nagtagal pa ako rito
ay manlalamig na ako
pero heto ako
sinusubukang tumagal sapagkat ikaw naman ang kasama ko
ngunit hindi ko inaakala ang nakita ko
na may isa pa tayong kasama rito
s'ya pala ang unang biktima mo
at pinilit mo rin akong lunurin sa pagmamahal mo
pero tandaan mo
iba ako
kaya naman dali-dali akong umakyat sa sirang tulay ng pagsinta mo
at dali-daling tumakbo
pero tandaan mo
na sa susunod na pagdaan ko sa tulay mo
ay hindi na ako maloloko
hahanap ako ng ibang rutang mas matibay upang hindi na ako mahulog sa katulad mo
at sisikapin ko ring idulog 'to sa gobyerno
at baka naman magawan na nila ng paraan at baka ipasemento
upang wala ng mahulog sa'yogusto ko nga palang sabihin
na ayaw ko na talagang magsasabay tayo
para kung sakaling mapapadaan ako sa tulay na ang pag-ibig mo ang gumawa
ay hindi na muli akong mahuhulog at mababasa
sa hindi naman kalaliman na pagmamahal mo
na nabigong lunurin sa pagmamahal ang isang tulad ko
at buti nga't hindi ako nalunod upang hindi maging patay na patay sa'yo
at oo nga pala,
sa sinasabi kong likido kanina?
wala naman talagang tayo,
isa lang 'yong malaking imbento.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento