#KwentongJollibee ni Kuya Ian
Nakatingin ako sa 'yo ngayon habang kumakain ka mag-isa, hawak ang isang piraso ng chicken joy, nakikita ko kung gaano kang nasasarapan sa bawat kagat mo, naalala ko tuloy noong...
Noong kapag kumakain tayo sa paborito nating branch ng Jollibee e, natutulala ka tuwing nakikita mo akong papasok.
Noong ako ang palagi mong kasamang kumain, sa pwestong inuupuan mo ngayon, pagkatapos na pagkatapos ng klase natin.
Naalala ko pa kung paano ka magtampo sa akin kapag hindi ko binibigay sa 'yo ang paborito mong balat ng manok.
Naalala ko pa ang bawat pagngiti mo, hindi napapansin ang kanin sa gilid ng labi mo, na ako naman ang tagapunas palagi.
Naalala ko pa na kapag uuwi na tayo ay nagbabaon ka pa ng napkin na pasimple mong isinusuksok sa bag ko, na napapansin ko na lang sa pagdating ko sa bahay, at sa pagbuklat ko ay lagi kang may mensaheng nakasulat gaya ng...
"Matulog ka nang maaga baby ha?" o di kaya ay "Mahal na mahal kita"a t marami pang cheesy na bagay.
Hanggang sa mapunit na ang tayo...
Kaya ngayon ay pinapanood na lang kita habang kumakain mag-isa...
Hawak ang isang pirasong chickenjoy...
Hindi alam kung bakit ka nakatitig sa akin pero hindi mo dapat ako makilala...
Pinanood lang kitang kumain hanggang sa lumisan ka, nag-iwan ng isang napkin sa mesang inupuan mo...
Hinubad ko ang ulo ni Jollibee na nakasuot sa akin, binasa ang nakasulat sa napkin na iniwan mo.
"Jollibee, Mahal na mahal ko pa rin s'ya. Naalala ko s'ya sa pagpasok mo sa pinto. Lagi akong natutulala tuwing nand'yan s'ya kaya kung nand'yan man sa loob mo ang mahal ko, pakibalik na s'ya sa akin pls?"
Mahal din kita at babalik rin ako sa 'yo.
-Kuya Ian
Photo credits to Nicole Javier Navales
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento