"Pinilit kong huwag tumulo ang aking mga luha
ngunit may sariling buhay ang aking mga mata
at pinutol ang kadena upang magbukas ang nangangalawang nang tarangkahan
at naglakbay sila sa bakubako kong mukha— nagpapaunahan.Pinilit kong itikom ang aking bunganga
at pigilan ang aking pagngawa
ngunit may sariling buhay ang aking bibig
ipinipilit isigaw ang bawat kirot at hapdi na matagal nang iniinda nitong dibdib.Pasensya na—
Pinilit ko—
Pero hindi ko na kaya. "-Kuya Ian
( credits sa may-ari ng litrato. )
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento