( ⚠ Trigger Warning? ⚠ )
Walang ibang nakarinig sa aking pagtangis
maliban sa kahabaan ng lubid na yumakap sa aking leeg.
Pinatahan niya ako
saka hinayaang lumipad.Hinawakan n'ya ako;
s'ya ang bukod tanging hindi bumitiw sa akin
bagkus ay humigpit pa ang pagkakahawak.Niyakap niya ako't inangkin.
Pinatikim kung gaano kasarap mahalin ang dilim— nakamamatay ngunit hindi nakakaumay.Walang tamis o kahit lasa
maliban na lamang sa lansa
ng amoy ng dugong nanunuot din sa panlasa— masarap kahit makalawang
na katulad ng sa mga patalim na gumuhit sa aking galanggalangan.Masarap ang kamatayan.
Walang sakit, walang pakiramdam.
Walang lasa, walang anghang.
Walang saya, walang kalungkutan.Basta't masarap ang kadiliman at kamatayan— ni walang saktong salita para bigyang paliwanag at katwiran.
-Kuya Ian
Litrato ni Tyra Nicole Asiado
na in-edit ni Kuya Ian.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento