NAALALA KO PA, NAAALALA MO PA BA?

256 13 2
                                    

"Naalala ko pa, naaalala mo pa ba?"
~
Naalala ko noong ako'y iyong ipaampon,
Di ko malilimutan, parang ako'y yaong tinapon,
Napunta sa kung sino sinong palad,
Tinatantya kung gaano kataas ang malilipad...

Naalala ko noong ako ay iyong balikan,
Napamahal na't malungkot aking pagliban,
Pero di ko alam na sa iyong mga kamay
Napuno ng takot, kalbaryo ang buhay...

Naalala ko noong ako ay magahasa,
Ni walang salita sa iyo ay nagmula...
Sapagkat prinsipeng malaswa yaong may gawa
Kaya't pinauwi, kinalimutan nang sadya.

Ngayon na ma'y nag-abroad ka na,
Araw-araw kong mensahe sayo'y pangagamusta
Pero walang tinig ang sayo'y nagmula.
Rinig ko lamang ay ang panghihinayang mo sa akin noong simula.

"Sana ay di ka na ipinanganak!"
Luhang di ko mapigil sa pagpatak,
Mata ay di mapigil sa pag-iyak
Puso ko 'nay! Iyong biniyak!

"Sana sa simula palang, pinalaglag na kita!"
Mga mata'y pula na't namamaga,
Mga kamay ay napuno na nang tinta,
Kasusulat sa iyo nitong mga salita....

Di ko kasalanang mabuhay sa mundo...
Di ko kasalanang adik ang ama ko...
Di ko kasalanang mahal kita...
Mahal kita! Mahal kita, Ina!

Ngayon nga'y may bago ka na,
Nagsisimula ulit ng bagong pamilya...
Sana ay tandaan mo itong mga linya ko...
Babangon ako at ipapamukha sa inyo
Na ako ang batang nais ipalaglag mo
At magiging tanyag ako sa buong mundo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon