MAMI
Pagod na pagod na dumating ng bahay si Ronaldo matapos ang maraming papeles na kinailangan n'yang tapusin kanina sa opisina, nang madatnan n'yang mag-isang kumakain ang kan'yang anak sa kusina.
"Very good naman ang baby Coleen ko, kumakain na mag-isa." At ginulo n'ya ang buhaghag na buhok nito, tumalikod at dumiretso sa kwarto nilang mag-asawa.
Tinatanggal pa lamang n'ya ang kanyang sinturon, nang maramdaman n'ya ang pagbukas ng pinto at ang pag-upo ng kung sino sa kama na nasa likuran n'ya.
Lumingon s'ya nang bahagya, ang batang si Coleen lang pala! Narinig n'ya ang mahinang pagdighay ng bata.
"Mukhang busog ang baby ko a, ano bang kinain mo?"
"Mami po," sagot ni Coleen
"Pang-ilang mami mo na 'yan a!"
"Sino namang nagluto?" dagdag na tanong ng ama.
Lumingon si Ronaldo sa anak at ngumiti.
"Si Lola po," dagdag ng batang si Coleen.
Pumunta sa kusina si Ronaldo at binuksan ang mamahalin nilang refrigerator para sana uminom ng malamig na tubig.
Laking gulat ni Ronaldo nang makita n'ya ang pugot na ulo ng asawa...
"Gutom na ako, hindi mo ba tinir'han si Daddy?"
-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento