SAWA NA AKONG UMIBIG.
ni: Kuya Iansawa na akong magmahal,
ayoko nang maging hangal,
sa larangan ng pag-ibig,
kahit walang kadilig-dilig,
ay alam kong hindi rin magtatagal,
ang aking pagkauhaw,
at kahit hindi ko kayang matanggal,
sa buhay ko,
ang mga nagpupumilit na umibig ako,
na magmahal ako,
na tumibok uli ang puso ko,
ay pipilitin kong ipikit ang mga mata ko,
at itikom ang bibig ko,
at takpan ang mga tenga ko,
at isarado ang puso ko,
para wala ng maka-trespass dito,
sawa na rin kasi ako,
hindi lang sa pag-ibig mismo,
kundi dahil rin sa sakit na dinadanas ko,
dahil na rin sa paulit-ulit na pagpisa sa puso ko,
at sa paulit-ulit na hapdi at kirot na nararamdaman ko,
napapasabi tuloy ako,
"ayaw ko nang magmahal"
kung saan parehong sang-ayon ang puso't isip ko.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento