LARO NG PAG-IBIG

159 7 0
                                    

LARO NG PAG-IBIG
ni: Kuya Ian

Halika dito mahal, maglalaro tayo
gaya noong unang magkakilala tayo,
kung saan mahilig tayong pareho sa paglalaro,
pero 'di ko alam na kahit sa totoong buhay magagawa mo pa ring makipaglaro.

Maglalaro tayo ng flappy bird
Hindi dahil sa pareho na tayong bored
Mauna ka na at manonood ako
para malaman ko kung gaano ka kagaling lumusot sa bawat paghihinala ko sa'yo
at hindi nga ako nagkamali
sapagkat nalagpasan mo ang highscore ko.

Maglalaro rin tayo ng temple run
kung saan tatakbo ka at ako ang halimaw na iyong tinatakbuhan
at ang pag-ibig ko ang obstacles na patuloy mong iiwasan
at ang "tayo" ang diretsong daan na kanina ay iyong nilikuan
pero hindi mo man lang mabitawan panandalian ang laro,
para naman makahabol ako sa'yo,
pero mali rin pala ang desisyon kong 'yon,
dahil noong hindi mo na pinipindot ang telepono,
ay ang pagkahulog mo sa bangin ng "kayo"
at heto ako, nakatingin na lang sa'yo
kung gaano ka kasaya sapagkat nahulog ka sa kan'ya
hindi mo man lang inisip na pareho lang ding kamatayan ang sasapitin mo,
kung mapunta ka man sa akin o sa bangin na hinulugan mo,
pero mas pinili mong huwag maabutan ko,
dahil siguro sa itsura ko?
pero heto ka,
muling magsisimula,
mukhang hindi ka pa rin pagod sa paglalaro,
heto tuloy ako muling hahabol sa'yo,
at sana sa susunod na larong ito,
maabutan na kita mahal ko.

Maglalaro tayo ng candy crush pareho,
kung saan ipapakita ko ang tamis ng pag-ibig ko sa'yo,
ngunit sa pait mo,
ay gusto mong mawala ang tamis ko,
at patuloy mo akong binubura sa laro.

Pagkatapos ng tamis ay maglalaro tayo ng angry birds,
kung saan kapag nagalit ka na at nagsasawa ka na sa akin,
ay itatapon mo ako palayo sa iyong piling.

Matapos ang lahat ay maglalaro naman tayo ng plants vs. zombies,
kung saan ako ang zombie na nais lang naman makapasok papunta sa utak mo,
ngunit ikaw ang mga halamang dahan-dahan akong pinapatay, ang zombie na patay na patay sa'yo.

pero teka mahal,
ayaw ko na ang makipaglaro,
pwede bang seryosohin mo naman ako?
napapagod na kasi ako,
lagi na lang kasi akong talo
kahit kasi anong pilit ng pagpapapansin ko sa'yo,
laging lowbatt ang pagtingin mo
at full charge ka lang 'pag oras na ulit para makipaglaro
at wala na akong magagawa kasi game over na para sa tayo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon