PAG-AMIN
ni: Kuya Iannarito na naman ako
naglalakad sa madilim na pasilyo
tanging kasama ko lang ay ang aking anino
hindi ko alam kung saan nga ba ito patungo
hanggang sa nakita ko na ang liwanag sa dulo---
ang liwanag mo,
ikaw na liwanag ko
ikaw na nakatayo
sa dulo na eskinitang nilalakaran ko,
teka teka,
bat ka nandito?
hindi ako handa sa ganito?
bat ka nakatingin sa direksyon ko?
hinihintay mo ba ako?
maraming tanong ang kailangan ng mga sagot mo
hanggang sa eto na nga,
ang mga paa ko na mismo ang tumatraydor sa sarili nitong amo
papalapit ng papalapit sa'yo
kaunting hakbang na lang ay nasa harap mo na ako
at eto na nga ako
nagsisimula na ang magiging bangungot ng buhay ko
pero kailangang maging handa ako
handang masaktan para lang sa'yo
sa mga sasabihin mo
"gusto kita"
ngunit sabay sa pagpikit ko sa mga mata
na hindi ko malaman kung bakit ko ginawa
ay ang katahimikan at wala na akong nagawa
sana ay nagdadalawang isip ka pa
kung may gusto ka ba sa akin o wala
at sana hindi mo lang alam
kung ano ang isasagot sa mga binitawang salita
dahil kung ang ibig-sabihin ng katahimikan mo ay hindi
magpapakahirap pa ako para tiisin ang hapdi.art by: pinyapplejaas
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento