HI CRUSH

171 6 0
                                    

HI CRUSH
ni: Kuya Ian

Hi crush...

ewan ko ba kung bakit gan'to kalakas 'yong tama mo sa akin
crush pa lang 'yong sinabi ko hindi ko na mapigilang kiligin
oo, crush muna
hindi ko pa kasi maamin sa'yo na mahal na nga kita
crush muna
hindi sa ayaw ko sa'yo
pero gusto kong paisa-isa muna ang paglevel up ng tayo
para naman makilala pa natin ng husto ang isa't isa
para kahit magfail e, pwede tayong magretry
unlimited naman sa level na'to 'yong buhay
kaya makakabisado talaga natin lahat ng level simula sa level one

Hi crush,
Oo, crush muna
nahihiya pa kasi ako
na manligaw sa'yo
kaya crush muna
para naman may isasagot ko sa kanila
kapag tinanong nilang ano kita
habang hindi ko pa pwedeng sabihin na akin ka na

Hi crush,
teka lang ha kinikilig pa kasi ako
habang isinisulat 'tong mga sasabihin ko sa'yo
pero 'wag kang magtataka kapag habang binabasa ko ito ay baka maglabas ako ng isang kahon ng posporo
paraan ko lang 'yon para sabihing match tayo
o kaya naman e, hindi tayo tao sapagkat bagay nga tayo
alam mo naman kasi kung gaano ako katorpe sa'yo
kaya naman siguro babasahin ko na lang sa harapan mo itong isinulat ko
at tatakpan ko ang siguradong mamumulang mukha ko na puno ng tigyawat
na ikaw ang dahilan
inlove na nga raw kasi ako sabi ng aking mga magulang
pero sabi ko e, crush lang naman

pero
Hi crush,
hindi kita nakikita sa pwestong ito kung ano ang ginagawa mo
dahil nga sa kwadernong nakatakip sa mukha ko
at sa'yo
pero nakikita ko naman ang mga mata mo
na nanonood sa ginagawa ko
corny man sabihin pero 'yan ang mga matang hindi luluha sa piling ko
at ang matang mamanahin ng mga anak ko

Hi Crush,
sana maging crush mo na rin ako
para naman MU na tayo
at masimulan na natin ang love story na 'to sa hawak kong kwaderno.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon