FACEBOOK LIVE

118 10 0
                                    

FACEBOOK LIVE
ni: Kuya Ian

Aaminin ko, hindi naman gaya ng nasa teleserye ang una nating pagkikita,
Aaminin ko, hindi rin naman naman katagal bago ako sa iyo ay mamangha,
Aaminin ko, minahal kita agad nung una pa lang kitang makita.

Napadaan ang isang babae sa newsfeed ko,
tila baliw dahil nagsasalita mag-isa, nakikita ko,
at nakita ko rin ang taglay na kagandahan mo.
Isa ako sa mga umasa sa iyo, nagpadala ng request at mensahe sa iyo,
Naghintay ng ilang minuto,
At ayun nagreply na nga ang babaeng hinihintay ko.

Tinawagan ka't di ka nag-alinlangan sumagot sa akin,
Humaba ang usapan at napunta sa mga paglalambing,
Nahuli ko nga ang kiliti mo't nahuli mo rin ang akin,
Hanggang sa bumagabag na sa akin ang tanong na kung meron na bang namamagitan sa atin?

Isang ka lang babaeng napadaan sa newsfeed ko,
pero ngayon ay daan ng daan naman sa isip ko,
Isa lang ako sa mga audience ng facebook live mo,
Pero siguro oras na para tanungin ka kung pwede bang maging co-host sa show mo.
at kung pwede bang ako na lang din ang maging direktor d'yan sa puso mo
nakakapagod na rin kasi ang panoorin lang kita,
gusto ko naman ay makasama ka,
tapos hindi lang tayo sa live mo makikita,
ipapalabas rin tayo sa magpakailanman o maalaala mo kaya,
at ang magiging title ay "mr and mrs. " karugtong ang apelyido ko na makukuha mo 'pag tayo ay ikinasal na,
hanggang sa isadula na nga nila,
kung paanong ang dalawang puso ay nagkatagpo sa social media.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon