GANDA
ni: Kuya_IanAng sabi ng iba,
Hindi tama
Na mabilis akong mahulog sa iyong ganda,
Pero mali sila,
sapagkat nariyan ka,
sasaluin ako sapagkat handa na.Ang sabi ng iba,
Ang taglay mong kagandahan
Di dapat pinapansin,
pero mali sila,
napukaw mo ang atensyon kong matagal dagitin.Oo, tama pala ang nasa isip ko,
Kakaiba ka sa lahat,
Ikaw ay nakakagulat,
mali sila ng tingin sa iyoOo, mali nga
ang sabi nila
na kapareho ka rin ng iba
maling mali talagaOo, mali sila
sa pagtapak sa iyong katauhan
isa ka ring may buhay na nilalang
at tama ako
babangon ka at kakayanin moTatandaan mo lang lagi,
yung aking mga sinasabi,
ikaw ang pinakamaganda,
kahit ang ganda mo ay pambihira.( kayo na ang bahala kung anong 'ganda' ang itinutukoy ko rito hahahaha )
( pasensya na kung masyadong 'ano' e, kasi naman dapat ito ang first reverse poetry ko kaso mali pala ang nagawa ko kaya inayos ko na lang at gan'yan ang kinalabasan )
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento