GITING
ni: Kuya IanHawak ang pluma'y isinulat ni Rizal,
Ang kinabukasan nitong ating bayan,
Hawak ang taga'y isinulat ni Andres,
Ang sugat na hinding hindi maaalisGamit man ang linis o kahit ang dungis,
Handa dapat ang 'yong sandatang matulis,
Mapa-bolo man o ang luma mong lapis,
Ititigil natin ang paghihinagpis.Nakaukit na sa punit na cedula
Ang pagkapunit ng pag-asa ng bansa,
Nakaukit na sa katawan ng narra,
Ang talas ng taga at mga kataga.Gumamit man ng sandata o salita,
Tiyakin mong babaon ang bawat sugat,
Tiyakin mong bubuka at mamumulat,
Gamit ang sugat na sinulat sa balat,
Gamit ang sugat na nanatiling peklat.Buksan mo ang iyong mga mata, Juan
Gisingin ang giting sa'yong katauhan,
Isa kang pinoy, dumadaloy ang tapang
at kadakilaan sa iyong katawan.(lalabindalawahing pantig)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento