HUWAG KA NA MAGPARAMDAM

101 8 1
                                    

HUWAG KA NA MAGPARAMDAM
ni: Kuya Ian

huwag ka na magparamdam,
hindi ka multo para ipaalam at magparamdam,
na ubos na ang 'yong nararamdaman,
at hindi na ako ang laman
ng puso mong ako ang dating naninirahan.

huwag ka na magparamdam
tumatayo ang balahibo ko sa katawan
hindi ko alam
kung kaba ba o natatakot lang
ako na mawala ka ng biglaan
at isarado mo ang puso mo, hindi pansamantala kundi pangmatagalan,
o baka permanente na nga,
at hindi mo na ibigay ang susi na akong ang dating nangangalaga.

huwag ka ng magparamdam,
kasi ako mismo na ay nakakaalam
na nawala na ang dating nararamdaman
sa mga pahiwatig mo pa lang
at sa mga tinginan
sa bawat usapan at talakayan
ni hindi ka na natatawa sa mga biruan.

huwag ka ng magparamdam
lalo lang akong nasasaktan
pero bakit sa sakit lalo akong nasasarapan
at tila unti-unting namamanhiran
ang katawan kong hindi nalimitahan
ngayon ay pagod at ubos ang lakas, naliligo na sa kahinaan,
kasi naglalaho na rin ang kalakasan.

huwag ka ng magparamdam,
hindi ka na rin dapat nagparamdam sa una pa lang,
hindi sana ako ngayon ang nasasaktan,
at kung maibabalik ko man ang ikot ng orasan,
iiwas ako noong ang mata natin ay nagkatamaan,
para hindi na ako at iba na lang
ang ngayon ay nasasaktan.

Huwag ka ng magparamdam,
matagal tagal ko na rin kasing alam.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon