WALANG LABEL
ni: Kuya Ianmahal, ano nga ba tayo?
mayroon na bang namamagitan sa ikaw at ako,
at matatawag ko na nga bang 'tayo'
kahit hindi ko pa hinihingi ang matamis mong oo,
sapagkat narito na naman na tayo,
may malalambing na kwentuhan at sweet messages sa inbox ko
na nanggaling mula sa'yo
mayroon ng pag-aalala at na-activate mo ang pagiging seloso ko
mayroon na ngang palitan ng 'i love you'
kahit hindi pa naman naisusulat sa diksyunaryo ng buhay ko at buhay mo
ang salitang 'tayo'mahal, ano na nga ba tayo?
paano na lang kung isang araw e, hindi na ako ang mahal mo?
matatawag pa rin ba kitang 'brand X' ko?
at mapapatanong ako ng 'brand Y' mo
iniwan ang isang tulad ko
at paano ka nakipagbreak sa tulad ko
oo, paano?
kasi wala namang label na 'tayo',
dahil wala namang tali na nakagapos sa puso mo at sa puso ko,
sapagkat hindi ka pa handang itali sa iba ang sarili mo,
kaya paano ka bibitaw sa 'tayo'
kung wala ka namang mabibitawan dahil wala namang mayroon sa pagitan ng 'ikaw' at 'ako'.mahal? ano na nga ba tayo?
paano na lang kung dumalaw ka sa bahay ko
at itanong ng magulang ko kung sino ka sa buhay ko?
malamang 'pag sinabi kong kaibigan kita ay magagalit ka,
at 'pag sinabi kong girlfriend na kita ay iisipin mong ang taas ng pangarap ko
para gan'on kabilis na makamit ko ang isang tulad mo,
at kapag sinabi kong hindi ko alam
ay baka ang magulang ko ang maguluhan
sapagkat sa kanilang kapanahunan
ay hindi umiiral ang walang kasiguraduhan.mahal? paano na nga ba tayo?
kung hanggang dito na lang 'tayo'
mali. mali. mali.
wala nga palang tayo
mali. mali. mali.
hindi ko pa alam kung ano na ang mayroon kay ikaw at ako.pero kahit walang label ang kung ano ang mayroon tayo
sabay nating lalabanan ang mundo
sapagkat ako ang 'brand X' at ikaw ang 'brand Y' ko.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PuisiHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento