KUNG HINDI RIN TAYO SA HULI, SANA...
Ni Kuya Ian
(Inspired sa kantang Kung Di Rin Lang Ikaw at Sana.)Kung hindi rin tayo sa huli
Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang umalis...Kung hindi rin tayo sa huli
Sana habang nasa gitna pa lamang ay hawakan mo pa rin nang mahigpit ang aking mga kamay
Punan mo ang espasyo sa gitna ng mga daliri
Habang hindi natatapos ang mga alaala't namamataySana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, noong hindi pa tayo patungo sa huli
Sana sinabi mo, noong una pa lamang
Sana sinabi mo, wala sanang nasasaktan at nasusugatanSana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo, para hindi na ako nangamba na baka ikaw ay umalis
Sana sinabi mo para alam ko nang darating din sa punto na mag-isa akong tatalon sa bangin
Sana sinabi mo para alam kong tatalikod ka kapag alam mong pabagsak na ako
Edi sana 'di ako tumalon kung alam kong walang sasaloNgunit kung 'di rin lang ikaw ang dahilan
Ayaw ko nang masaktan...Sana sinabi mo, para ang mga ayaw mo'y aking iibahin
pipilitin kong baguhin...Diba sinabi mo, basta't tayong dalwa'y sasaya ang mundong mapait
pero sana sinabi mo para nakahawak ako sa 'yong mga kamay at pilitin kang patuloy na kumapitDiba sinabi ko, gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli
Kahit na mali...Biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik
sana nalaman ko, para hindi ko na pinilit...Kung hindi rin tayo sa huli
Sana sinabi mo...(Pasensya kung korni, nawawala kasi 'yong panulat ko.)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento