"BI"
ni: Kuya_Ian (Ian) , Kenggay (Kelly) , Mizu_Kami (Ricky) , Tyranics (Tyra) , and MikMik (Mikaella)
with special participation of Panotskie (Jherelle)Marami ang nagtataka,
Bakit daw ang kilos ko e, parang hindi akma,
Ano ba raw ako?
Hindi naman ako naiiba, tao pa rin ako.Kilos ko man ay iba,
Puso ko man ay lito ngunit ako'y nahulog sa dalawang taong magkaiba ang gusto
Ako'y nalilito ano nga ba ako? Isang tanong na nag lalaro sa isip ko
Mahirap ang ganto 'di mo malaman ang totoo
Tinitibok ng puso ay dalawa ngunit kailangan lamang mamili sa isaKumuha ng pantali,
Buhok ay itinali,
kinuha ang sumbrerong bagong bili,
at nagmukhang lalakeKilos ay binago.
Ayun sa gusto ng mga tao.
Pagsasalita'y iniba.
Para di masabihan ng kung ano.Mga salitang ayokong naririning mula sa ibang tao
Na dalawang kasarian ang gusto ko
Hindi ako bakla
Hindi rin ako tomboy
Ako'y bisexual po.ngunit hindi alam kung ano nga ba talaga,
naalala ko kung ako ba o ikaw ay iisa,
dahil tayong dalawa ay hindi naman magkaiba kung ikukumpara sa iba.hindi naman ako hayop para hayop kung ituring mo,
hindi rin ako bagay na gagamitin lang 'pag kailangan mo,
isa akong tao,
may nararamdaman din ako.Babae ang panlabas lalake ang anyo, mukhang babae pero,mas matapang pa sa tatay mo,
ayoko ng bimpo mas gusto ko panyo,
hindi para pamunas pero para itali sa noo koMaaring ang kilos ko'y iba.
At porma di tulad ng iba.
Pero tao pa rin ako.
Nagmamahal tulad mo, tulad nya.
Hindi dahil iba ako sa inyo.
Mamaliitin nyo na ako.
Alahanin nyo.
Mas espesyal ako kesa sayo.Kahit minsa'y ako pa rin ay nalilito
Hindi gaya ng kasarian ng karaniwang tao
Ipinanganak akong dalawa ang gusto
Pero sasabihin sainyo isa lang talaga iibigin ng espesyal na katulad ko.ngunit ano nga bang nararamdaman nating dalawa, na mahal mo ako at mahal kita, yun ba ay tama pa,
kung sa mata ng diyos tayo ay iisa.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento