TROPA
ni: Kuya_IanOy tropa!
Kumusta ka na?
Hindi mo na ba ako naaalala?
O hindi mo na ako kilala?Oy tropa?
Ano na?
O nakalimutan mo na ba?
'yung mga alaalang binuo nating magkakasama?Oy tropa?
Nakalimot ka na ba?
Sa mga kalokohang ginawa?
Sa mga kwentuhang puno ng laswa?
Sa mga usapang hindi maputol sa haba?
Sa mga kabulastugang nagsisisihan pa kung sino ang may gawa?
Ano pare? Nakalimot ka na ba?Oy tropa?
Ano na?
Nakalimutan mo na ba ang mga pangako?
Na lalayo lang sa isa't isa pero iisa pa rin tayo?
O sadyang makakalimutin lang kayo?
para sa maliliit na bagay pero malalaki na kung ako ang tatanungin mo.Oy tropa?
Magbabakasyon na!
Baka naman pwede reunion kahit aattend ay iisa lang o dadalawa.O ano na tropa?
Hindi mo ba namimiss ang barkada?Ano na tropa?
Balik ka na!Ano na tropa?
Magkikita pa ba tayo o hanggang doon na lang talaga?Oy tropa!
Balik ka na!
Balik na tayo sa dating tayo na solid sa isa't isa.Balik na natin ang mga alaala,
Baka lang kasi nakakalimot ka na,
na nandito pa ako't nandyan pa sila.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento