BAKIT NGA BA AKO NAGSUSULAT?

276 16 0
                                    

Bakit nga ba ako nagsusulat?
Ni: Kuya_Ian

Para sayo,
Para sayo ang mga titik na nakalapat sa papel ko,
Para sayo ang may hanggang tinta ng plumang panulat ko,
Oo, dahil sayo kaya nagsusulat ako.

Dahil sa bolpen na hawak ko, kaya ako nakakasulat,
Pero ikaw ang tao sa likod ng aking piyesa,
Ikaw ang taong nasa likod ng dahilan kung bakit ako sumusulat,
Ikaw ang dahilan sa mga panahong ako ay masaya,
Oo, ikaw ang dahilan sa lahat ng "bakit" sa buhay ko,
Ikaw ang sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko,
Ikaw rin ang taong tinutukoy ko sa likod ng mga obra ko

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon