HUSTISYA

65 2 0
                                    

Tumatakbo ako nang wala nang saplot habang hinahabol ako ng mga sigaw.

Wala akong makita kung hindi ang kadiliman, hindi dahil sa malalim na ang gabi kundi dahil pinagkaitan ako ng paningin.

Pinilit kong tumakbo ngunit nadapa ako, hanggang sa marinig ko ang hingal ng mga humahabol sa akin.

"Bakit ka pa tumakbo? Wala ka na sabing kawala e?" Hanggang sa maramdaman ko ang mainit at pasmado nilang kamay sa katawan ko— humahagod.

Hanggang sa ang mga paghawak ay napunta sa pagkalmot at ang mga pagkalmot ay napunta sa muling paghimas...

At ang paghimas ay napunta sa pananalbahe at ang pananalbahe ay napunta sa paggapang at ang paggapang ay napunta sa paggahasa...

At ang paggahasa ay napunta sa pagdura at ang pagdura ay napunta sa pagyurak at ang pagyurak ay naging pagtapak...

Ginahasa ako ng mga Filipino—
Ginahasa nila ako.

-Hustisya, 2018.

Ni: Kuya Ian

ctto of the picture

ctto of the picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon