Talo-talo
Ni:Kuya_Ian
Walang matatalo,
Lahat panalo,
Bakit? Paano?
Walang sayang! Lahat tinalo!
Kaibigan ko, kaibigan mo
Magkaibigan pero nag-iibigan.Bakit mo tinalo?
Wala na ba sayong sasalo?
Bakit mo tinalo?
Wala na bang taong handang magmahal sayo?Kung kaibigan, dapat manatiling kaibigan!
Bakit may magka-ibigan na inibig ng isa ang kaibigan ng ka-ibigan?
Hindi ba tawag don ay taluhan?
Para kang nangalakal ng basura,
Para kang sumalo ng tira-tira.Sa panahon ngayon, uso ang talo-talo,
Ang sisipag kasi umibig ng mga tao,
Pagka tapos na ang pagmamahal sayo,
Baka bukas o makalawa sila na ng kaibigan mo,
O baka kaibigan pa nya ang maging karelasyon nya mabalitaan mo.Mga kabataan e, nilamon na ng sistema,
Puro jowa, puro syota,
Pag-aaral nakakalimutan na nila,
Bihasa sa talo-talo sa mga kaibigan nila.
Bihasa sa katarantaduhan uso daw kasi laging nakikita.
Ano papakain ka na rin ba?
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento