" SA A-KATORSE"
ni: Kuya IanSa a-katorse,
Hindi ako magbibigay ng bulaklak at tsokolate,
Dahil susulat ako ng tula---
Hindi para sayo, kundi kwento nating dal'wa.Sa a-katorse, hindi ako luluha dahil sa ako ay mag-isa,
Hahayaan kong ang pluma ko ang lumuha
sa papel na pagsusulatan ko ng maikli nating nobela---
ng maikli nating pagsasama.Sa a-katorse, hindi ako gagamit ng panyo pamunas kung sakaling hindi ko mapigilan ang mga tubig na dadaloy mula sa aking mga mata,
gagamit ako ng papel na ipapangharang ko sa mukha,
para hindi mo malaman ang tunay kong nadarama.Sa a-katorse, hindi ako matutulog lang para makalimutan ko ang lahat,
gagamit ako ng pambura para permanenteng mabura ang mga maling parte sa kwento na ikaw mismo ang sumulat,
at para na rin mabura ang mga sugat at peklat,
dito sa pabalat ng ating aklat.Sa a-katorse, hindi ko pipiliting burahin ka sa isipan ko at sa lahat,
sapagkat dahil sa'yo nakagawa ako ng obra maestrang "tayo" ang pamagat.( Late na ito para sa Valentines pero sana nagustuhan ninyo hahaha)
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesíaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento