MANUNULAT

85 7 3
                                    

MANUNULAT
ni: Kuya Ian

hawak mo ang pluma ng buhay mo
ikaw ang sumusulat sa sarili mong kwento
iba't iba ang karakter na inilagay mo sa bawat pahina nito
may makulit, may maingay, may magulo,
may malakas, may mahina, may loko-loko
pero ang pinakapaborito kong parte sa kwento ay ako.

dito mo kasi nilahad kung ano ako sa'yo,
at 'di ko rin inakalang ako at ikaw ang bibida rito,
ikaw ang may hawak ng pluma
at ako naman ang bida
magandang kombinasyon para sa mga mambabasa
pero hindi magandang mabasa na ang kwento ay tungkol sa paggamit ng lapis at pambura
kung saan ako ang lapis na sumusulat ng mga katha
na tungkol sa pagnanais na makamtan kita
pero ikaw ang pambura
na patuloy na nagsasara
ng bukas na kwentong ako naman ang gumawa
at pilit mong binura
ang pag-ibig na nabuo
sa unang buklat mo pa lang sa libro ko.

( dedicated kay ate GoddessNiMaster. salamat sa support hehe. Pasensya na maikli hehe. )

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon