Siguro nga karamihan tingin sa akin wala akong silbi, hindi ako marunong sa maraming bagay gaya ng sumulat.
Nakakasulasok ang ibang trabahong napapasukan ko at nakakabaligtad-sikmura, marumi ako, mabaho...
Matapos ang trabaho e, naliligo na lang ako at umiiyak sa isang tabi, iniisip kung bakit ako pa? kung bakit ako pa nagpapakarumi para sa iba? kung bakit ako pa ang napiling maging ganito? kung bakit ang dumi ko?
Pero may isa namang bagay na maipagmamalaki ko, na ako ang madalas bigyan ng singsing kaysa sa kapatid ko.
At tungkol sa kapatid ko...
S'ya na lang lagi! S'ya na nga ang matalino, kan'ya pa ang lahat ng magagandang trabaho, at lagi pa s'yang nakikihati sa trabaho ko! Kainis!
Pero mahal ko naman ang kapatid ko...
Slight...
Madalas nga kaming magkayakap kapag natutulog...
Masaya rin ako sa mga trabahong kasama ko s'ya dahil madalas nahihirapan din ako, kasi hindi naman bagay sa akin ang mga trabahong madalas ibigay sa akin.
Kaya mahal ko rin ang kapatid ko...
At mamahalin ko ang babaeng hahawak sa akin kahit sa gan'to ako, kahit na napakarumi ko...
Nga pala! Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala ang kaliwang kamay ni Kuya Ian!
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento