Minsan ang baryang ibinato sa langit at pinabagsak sa lupa
Ay hindi rin tiyak kung ulo o ibon ba talaga,
Gaya ng batang pinaliguan ng bala
ay hindi tiyak kung ang naglagay ng pangil ng batas sa kan'yang mga kamay o ang kinagat ang may sala.Ngunit hanging bulag at walang kamalay-malay ang humuhusga
Ang binaril sa ulo ang bumagsak sa lupa at tumihaya kaya s'ya ang may sala
at hindi ang ibong dinagit ang kan'yang laya."Ang mamatay ng dahil sa 'yo,"
ay 'di na isang karangalan
kung mamamatay ako sa aking sariling bayan
hindi dahil pinaglaban ko ang aking inang bayan
kundi dahil nilabanan ako nang wala akong kalaban-laban
o dahil nanlaban ako sa ibinibintang sa akin na hindi ko naman kasalanan.-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento