Isang akda mula sa inyong mga manunulang baguhan.
"Siguro, Baka, Pwede"
Sa panulat nina:Ian James Domingo at Edlynn OfalsaSiguro kung hinabol ko s'ya,
Baka mga kamay ko pa ang hawak niya,
Pwede kayang mangyari iyon, sinta?Siguro kung hindi lang ako tumayo,
Baka hindi siya lumayo,
Pwede kaya't may posibilidad na mayroon ng namamagitan sa amin na 'tayo'?Siguro kung pinunasan ko ang luha niya,
Baka sa akin pa ang kanyang tawa,
Pwede kayang maging iisa ang dati ay dadalawa?Siguro kung niyakap ko s'ya ng mas mahigpit,
Baka hindi siya nakabitaw sa aking kapit,
Pwede kayang sa puso nya ay mas lalo akong mapalapit?Siguro kung hindi ako inunahan ng takot,
Baka mukha ko'y 'di naiwang lukot,
Pwede kayang maibsan ko ang lungkot?Siguro kung sinabi ko,
Baka sakaling may nagbago,
Pwede pa kayang madagdag ang 'tayo' sa librong ginawa mo?Baka sakaling yung 'kayo',
Dapat 'yon ay 'tayo' .
Pwede kaya ito?Duwag ako,
Takot,
Kapag sinabi kong mahal kita,
Mamahalin mo rin ba ako?
O mahalin mo pa kaya ako?Pero, sana pala
Sana,
Inamin ko,
Nang hindi ako nabilanggo sa mga pwede ng 'baka't siguro'.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento