PAG-IBIG

96 3 0
                                    

Pag-ibig
ni: Kuya Ian

Isa ako sa mga naniniwala na ang pag-ibig ay gamot
kung saan s'ya ang sagot sa sakit
at makakalimot sa pait
ngunit paanong magiging gamot ang pag-ibig,
kung ito mismo ang nagdudulot ng sakit?
at paanong nahanap ko na lang ang sarili ko
na lulong sa gamot na ito?

Isa rin ako sa mga naniniwala na ang pag-ibig ay nasa kung saan-saan,
Hindi mo makikita pero bigla mo na lang mararamdaman
Hindi mo mapapansin pero bigla na lang nasa harapan
ngunit paano ang pag-ibig ko kung palibot-libot lang at hindi ko mahagilap sa kung saan?

Isa rin ako sa mga naniniwalang ang pag-ibig ay kusang darating na lang,
hindi mo mamalayan e, nasa kanto na lang
kaya maghintay ka lang
ngunit paano kung pareho rin lang pala kaming naghihintayan?
sa paanong paraan ang pag-ibig mo ay matatagpuan ng pagsinta ko?

Isa rin ako sa naniniwala na ang pag-ibig bulag,
hindi mo makikita't nasa tabi mo na pala?
ngunit paano kong matatagpuan ang bigay ni tadhana
kung ang pag-ibig ay bulag nga?

Maraming paniniwala tungkol sa pag-ibig na nagpasalin-salin
pero isa lang ang pinakapinaniniwalaan ko,
darating ka rin
hindi man ngayon, pero magkakatagpo rin tayo sa dulo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon