NAKALIMOT
ni: Kuya IanHindi ko sisimulan ang piyesang ito sa "mahal, naalala mo pa ba?"
sapagkat uumpisahan ko ito sa
"mahal, nakalimot ka na ba? "Mahal, nakalimot ka na ba?
sapagkat kung oo, handa akong magwaldas ng pera
para lang maibalik ang mga alaala
at mawala ang amnesia---
sapagkat nakalimot ka na sa ating dal'wa.Mahal, nakalimot ka na ba?
na magkasama tayo hanggang sa pagtanda?
o nilamon ka na ng Alzheimer's at nakalimutan ang akda na pareho nating ginawa?Mahal, nakalimot ka na ba?
ano ba ang sanhi ng pagka-reformat ng memory mo?
dahil ba sa ako ang virus mo?Mahal, nakalimot ka na ba?
na narito pa ako at handang maging tapat sa'yo,
ngunit bakit parang patuloy mo akong nireremove, ang SD card mo?
ang bumuo sa mga alaala mo?Oo, mahal nakalimot ka na nga,
sapagkat may bago ka ng memory card naisalpak sa utak mo,
na kasama mong gagawa ng bagong alaala na wala ako,
at 'yon ay ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento