PAANO MANLIGAW ANG ISANG TORPE?

118 7 2
                                    

PAANO MANLIGAW ANG ISANG TORPE?
ni: Kuya Ian

Paano nga ba manligaw ang isang torpe?
Paano nga ba manligaw ang sarili?
Paano nga ba manligaw kami?
Paano nga ba manligaw ang torpe?

Paulit-ulit tuloy ako ng nasasabi,
Papalapit ka na naman kasi
sa utak ko umiikot na naman ang iba't ibang senaryo,
Paano kung gan'yan, paano kung ganito?
Paano kung manligaw ako tapos basted-in mo?
Paano kung 'pag lumapit ka e, malaman mo sa mga mata ko na may gusto ako sa'yo,
Paano kung 'pag lumapit ka, marinig mo ang tibok ng puso ko para sa'yo?
Paano kung mahalin kita tapos kulang pa sa'yo?
Paano kung ang buong pagmamahal ko madurog mo?
Paano kung ipakita ko ang pagmamahal ko sa'yo pero paano kung iba na pala ang mahal mo?
Paano kung gan'yan, paano kung gan'to?
Paano kung hindi na lang ako torpe tapos maglalakas loob na ako sa'yo?
Paano kung hindi na ako torpe tapos aamin na ako?
Ngunit paano kung hindi ko makuha ang matamis mong oo?
Paano kung sumagot ka ng 'oo' pero sa ibang tao?
Paano na ako?
Paano kung gan'yan, paano kung gan'to,
Parang sirang plaka na ang utak ko,
Umuulit-ulit lang tuloy ang liriko sa paboritong kanta ko,
Umuulit lang ang mga tanong na hindi masagot pati ng sarili ko?
Paano kung gan'yan, paano kung gan'to?

Gan'yan manligaw ang isang torpe,
Ligaw-tingin lang sa isang tabi.

Paano nga ba manligaw ang isang torpe?
Hindi ko pa alam, hindi pa rin ako nakakapanligaw e.

art by: Fantashii of DeviantArt

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon