AKO ANG KALANGITAN.
ni: Kuya IanUmiiyak na naman ang kalangitan,
Kasabay ang pag-indayog ng kidlat,
sa saliw ng musika ng kulog,
Hindi ba't kay sarap panoorin at tignan?Ngunit kung iibahin natin ang karakter sa kwentong ito,
At papalitan ng ikaw at ako,
Ay ganito ang kalalabasan,
Isang trahedyang agad winakasan.Umiiyak na naman ako,
Habang pinapanood ang mahal ko,
Na isayaw at sumayaw sa tugtugin ng iba,Ngayon, sabihin mo!
Masaya pa bang mapanood ang mga sumunod na eksena?Ngayon, ako, ang kalangitan
ay lumuluha na naman,
nadidilig ang lupang tigang,
habang paulit-ulit na nasasaktan,
sa tulis ng kidlat na kanina pa ako sinasaksak sa likuran,
Habang pinatutugtog ang musika ng aking kamatayan.Ngayon, ako, ang kalangitan
ay tumigil na ang pagluha,
ngunit tumutulo pa rin,
hindi ang likido mula sa aking mga mata,
kundi ang dugo ko,
ang dugo ng nagmamahal sa'yo,
hanggang sa nalugmok ako
sa lugar na kanina'y kinatatayuan ko
at muling sumikat ang araw sa akin,
pinasigla akong muli ng hangin.pero panandalian lang din pala ang mga pangyayari,
dahil sa ang sikat ng araw at sa hangin
Ay muling ibabalik sa akin,
ang luhang ibinuhos ng aking damdamin,
at luluha na naman akong muli,
walang katapusang luha.luluha na naman
luluha na naman ako.
luluha na naman ako, ang kalangitan,
Kasabay ang pag-indayog ng kidlat,
sa saliw ng musika ng kulog,
masarap ba ang paulit-ulit na sinasaktan?
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento