Kanina pa kita pinagmamasdan habang namimili ka ng kantang patutugtugin mo sa napakalaking speaker na nasa harapan mo.
"Ah, ito na lang. "
Kasabay ng pagplay mo sa kantang Perfect ni Ed Sheeran, na theme song natin, ay ang pagbagsak ng mga luha mo sa magkabilang mata.
"Babe! Miss na kitaaaa! Balik ka na sa akin... "
'Yan ang mga katagang sigaw mo habang nakatitig sa akin.
Habang ako ay nakatingin na lang din sa 'yo, ni hindi makagalaw at makakilos, at hindi ka p'wedeng yakapin.
"... balik ka na sa amin. "
... sapagkat ako ay magsisilbing alaala na lang sa 'yo.
-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento