T U L I

223 8 0
                                    

T U L I
ni: Kuya Ian
Narito't magbabakasyon na naman tayo,
tag-init na nama't nag-uumapaw ang pawis ko,
Tumatagaktak ang bawat tubig sa katawan ko,
Nag-aapoy ang pakiramdam ko,
Hindi ako mapakali, parang may kulang sa sarili ko,
Feeling ko ay masasaktan na naman ako,
At magmamarka ang mga sugat na ito,
Ngunit kapag nalampasan ko na ito,
Tiyak naman ako
Panigurado
Magbabakas ngunit mawawala ang hapdi
Ng TULI
Tindi Umasa, Lagi namang Iniiwan.

Oo
Kahit naman hindi tag-init e, nasasaktan ako,
Paulit-ulit na dumadaan sa TULI ang sarili ko,
Alam kong pansamantala lang naman ang sakit nito,
Kaya't sisiguraduhin kong epektibo ang paglalanggas sa puso ko,
At hindi mangamatis, sapagkat may nakakita naman sa sugat ko,
sa sugat ng kahapon ko.

Hindi ko na siguro kailangang kumagat ng dahon para sayo,
sapagkat sa ilang beses na pagpukol at pagdurog mo sa puso ko,
namanhid ako,
ngunit napapahiyaw pa rin ako
sa sakit na idinudulot mo.

Hindi ko na rin siguro kailangan ng anesthesia para hindi maramdaman ang kirot,
Para hindi maramdaman ang poot,
hindi ko alam pero bakit parang ang tagal matanggal ng tinik at mabunot,
para naman guminhawa ang pakiramdam ko.

Pero sa dinami-dami ng proseso,
paghiwalayin o putulin man tayo,
eto't pinipilit na tahiin at maibalik ang dating tayo,
Kaya't narito ako,
Ipinagmamalaki ko
Na noong tag-init ay naging tunay na lalake ako,
Matapos kong malagpasan ang TULI kahit sobrang nasaktan ako.

(cr google images para sa picture)

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon