WALA KANG DAPAT IPAG-ALALA

85 5 2
                                    

WALA KANG DAPAT IPAG-ALALA
ni: Kuya Ian

hindi mo naman ako kailangang paghinalaan,
hindi ako 'yong tipo ng lalake na kapag may nakitang babae,
e, ipagtutulakan na mismo ang sarili

hindi mo naman kailangan pang magduda
kasi simula pa noong unang araw kitang nakita
ikaw na talaga,
ikaw lang talaga.

hindi mo naman kailangang maghinala
at mag-ala pulis sa pag-iimbestiga
dahil kung ako ang magiging detective at hawak ko ang aking magnifying glass
sa'yo lang ang paningin ko tatalas

hindi mo naman kailangang mag-isip ng sobra
kung ganito, ganyan
kung may kasama ba akong babae sa paglalakad ko sa daan,
kung may babae bang habang kumakain ako ay nakikipagsubuan,
o kung may iba akong kalandian,
dahil mahal, kahit naglalakad ako sa daan
o kahit sa pagkain ay mabulunan
o kahit may ibang babae sa aking kapaligiran,
ang iniisip ko lang naman
ay tanging ikaw lang.

mahal naman,
hindi naman ako kaguwapuhan
doon pa lang
e, lusaw na agad ang 'yong pag-aalinlangan,
dahil wala naman magtatangkang
sa'yo ay makipag-agawan
kaya't tama na ang pag-iisip ng kung ano pa man,
sapagkat una pa lang
ako ay sa'yo lang naman.

mahal naman,
kahit ngayon ay biyayaan man ako ng itsura
tanging sa'yo lang at mamahalin ko ng sobra
kaya tama na ang pag-dududa
dahil sa'yo lang ako simula pa noong una.

credits barbsminedez sa idea

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon