NAKARAAN

98 8 0
                                    

NAKARAAN
ni: Kuya Ian

alalahanin natin ang nakaraan
kung saan sanggang dikit sa isa't isa
kung saan laging may saya
kung saan laging hindi alam kung saan pasasaan
kung saan ang oras na magkakasama noong nakaraan ay parang nakiraan lang

ibabalik natin ang ikot ng orasan
babalik tayo sa nakaraan
kahit hindi natin alam kung sa paanong paraan
ay pipilitin natin iatras ang kasalukuyan
sa mga panahong ang hinaharap pa lang ay pinaghahandaan
ngunit ngayong narito na sa hinaharap at kasalukuyang nasa kasalukuyan
ay tila may kulang?
bakit parang hindi natin 'to napaghandaan?
ang paglihis ng bawat isa sa iba't ibang direksyon ng daan?
ngunit sa dulo ng daan ay may nakapaskil na 'road closed' na ang lahat ay binabalaan
ngunit bakit tayo sumuway?
sapagkat hindi natin alam
na ang ating tatalunan
ay patungo sa hangganan
at hindi na mabubuo pa ulit kahit kailan
ang tropang nasimulan
na hindi natapos sa dulo at agad winakasan.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon