Aking Lahat
Ni Kuya IanMaganda ka
Gwapo s'ya
Ako naman hindi pa mabait.Langit ka
Langit s'ya
Impyerno ako, demonyo raw ako e.Hindi kayo tao
Bagay kayong dalawa
Ako naman nagdadalawang isip pa kung tao ba talaga o hayop nga.Kapag kayong dalawa ang naglambingan, sweet tignan.
Kapag tayo ang naglambingan, para akong nanlilimos at ikaw ang nagpapalimos ng pagmamahal.Kapag bumanat s'ya, sweet pakinggan
Kapag ako pumorma, kaumay tignan.Kapag nandyan s'ya, kinikilig ang lahat pati ikaw
Kapag ako ang dumating, pati langaw umaayaw.Nasa kan'ya na ang lahat
Samantalang ako kinapos na sa lahat.At ang parte na pinakamadaya
Sa 'yo ako
Pero sa kan'ya ka.Mahal kita
Pero mahal mo s'ya.May pagtingin ako sa 'yo
Pero s'ya lang ang para sa 'yong mga mata.Ikaw ang bukambibig ko
Pero s'ya ang pinagmamalaki mo.Ikaw ang mundo ko
Samantalang s'ya ang uniberso mo.Ikaw ang liwanag ko
Samantalang s'ya ang dilim na nais mong tuwing gabi'y yumakap sa kalangitan moIkaw ang dahilan ng mga isinampay kong punda ng unan ko
Samantalang s'ya ang dahilan ng pag-init ng malalamig na gabi mo dahil s'ya ang kumot na yumayakap sa 'yo.Ako ang lalakeng "wala lang" para sa lahat
Kasi nasa kan'ya na 'yong itinuring kong "aking lahat."
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento