PASENSYA NA

202 6 1
                                    

Andito na naman ako,
May handang tula na naman para sayo.

"Pasensya na"
ni: Kuya_Ian
Ako yung taong naghihintay sayo,
Ako yung taong nais marinig yung matamis mong "Oo"
Ako yung taong laging nasa tabi mo,
Pero wala lang "ata" ako sayo.

Pasensya na,
Di ko naman alam na mahal mo pa sya,
Sana sinabi mo na sa akin, bago pa man tayo nagsimula,
Pasensya na.

Pasensya na,
Mukha sa kwento nyo, isa lang akong ekstra.
Kwento ng napalayong prinsipe at naghintay na prinsesa,
Mukhang isa lang akong payaso sa prinsesa para di na sya mangulila.
Isa lang akong kontrabida sa naumpisahan ninyong nobela.
Pasensya na.

Pasensya na,
Di ako matipunong tulad nya,
Di rin ako singyaman nya,
Pero andito naman ako sa tabi mo habang naghihintay ka sa kanya.
Pasensya na.

Pasensya na,
Pasensya kung sa bawat banggit mo sa pangalan nya,
E, nagseselos ako sa tuwina.
E, sya pala ang mas mahal mo sa aming dalawa.
Pasensya na.

Pasensya na,
Pasensya kung sa bawat paghahanap mo sa kanya,
E, hinaharang ko ang aking mukha.
Para malaman mo naman na nasa harap mo lang ako noong naglaho sya na parang bula.
Pasensya na.

Pasensya na,
Pasensya na kasi di ako tulad nya,
Pasensya na magkaiba kasi kaming dalawa,
Pero sa susunod kong buhay,hinihiling kong sana...
Sana maging ako na sya.
Pasensya na.

Pasensya na,
Alam kong sya ang gusto mo,
Pero nandito ako't nangungulit pa sayo.
Pasensya na.

Pasensya na,
Pasensya kung iniisip kong merong 'tayo'
Pero namimiss mo yung dating 'kayo'
Pasensya na.

Pasensya na,
Kasi naluluha ako habang sinusulat itong tula,
Ngunit ayaw pumatak, tila lang nagbabadya,
Pasensya na.

Pasensya na,
Kung matagal ka pang maghihintay sa pagdating nya,
Pero andito naman ako para sayo, pansamantala.
Pasensya na.

Pasensya na.
Pasensya na.
Di ko na alam aking ginagawa.
Pasensya na.

Sana habang naghihintay ka sa kanya,
Akin ka na 'muna',
Mahalin mo muna ako kahit 'pansamantala'
Para sa pagdating nya, masaya sya kasi may nag-alaga sayo habang nasa malayo sya.

Sana,
Pagbalik nya,
Wag na wag mo akong babanggitin sa kanya,
Ayaw kong may pagselosan sya,
Kasi ramdam ko yung sakit,
Tuwing pangalan nya ay iyong sinasambit.

Hindi ko alam kung bakit,
Lahat ng bagay na nakikita mo,
Pangalan nya ang sambit,
Sobrang sakit,
Pero kakayanin ko,
Kasi mahal kita kahit mahal mo sya.

Hindi 'muna' kita iiwan,
Hindi 'muna' kita bibitawan,
Ikaw 'muna' ay sasamahan,
Kasi mahal kita't susuportahan,
Kahit ano pa man,
Basta nasa mabuti kang kalagayan,
Magiging masaya na ako,
Kasi mahal kita pero mas mahal mo yung prinsipe mong napalayo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon