NAUBUSAN NG IDEYA
ni: Kuya Iannawalan na naman akong gana sa pagsulat
pati ang boses ng aking panulat ay unti-unti ng namamalat
hindi na ako makapangmumulat
dahil pati ang talukap ng aking mata ay hindi ko na madilat
sa nangyayari sa paligid unti-unting nagiging salat
pati ang sa kwento kong animo'y pabalat
hindi mo na makikita ang kwento at naubusan na ng kwenta
hindi dahil sa naubusan ng tinta
kundi naubos ang mga ideya
na dati'y agos-agos sa pagbuga
na sa isip ko nagmula
ngunit pati ang isip ko'y nabulag na
wala na akong maipakita
wala na akong maikukwento
tungkol sa paligid o ni sa pag-ibig
naubos na ang kwento sa aking bibig
hindi ko na mahila pa ang mumunting lubid
upang kumalembang muli ang kampana at gumana ulit ang pandinig
nang marinig kong muli ang mumunting boses at tinig
na nagsasalaysay sa akin kung gaano ang pagkahilig
nila sa mga kuwento ko,
upang lumakas uli ang ispirito ng pluma ko
at sumulat uli ng hindi napipiga ang utak ko
at makasulat muli ng walang butil ng pawis na tumatagaktak sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento