MOVE ON

329 13 3
                                    

Ngayon ako muna yung boses ng kababaihang hirap mag moveon.

Move On
By:Kuya_Ian

Ang hirap pala mag move on
Yung tipong gusto mo ng umahon
Kasi kada ikaw ay lilingon
Naaalala ko yung dating sa atin ay mayroon
Minsan talaga naiisip ko kung bakit moko iniwan
Dahil ba sa medyo malaki kong tyan?
Baka naman sa height kong mababa pa sa katamtaman?
Di naman kaya sa balat kong kaitiman?
Madaming tanong ang gumumulo sa aking kaisipan
Minahal mo man lang ba ako kahit sandali lang?
Bakit mo pa ba ako nagawang ligawan
Pero sa dulo ay iyo lamang sasaktan.
Oo masakit para saakin
Masakit na yung dating sa akin ay lumalambing
Ay nasa iba ng piling
Gusto ko lang sabihin na "Hayop ka!"
Kasi pag gising ko wala ka na
"Break na tayo, paaalam na"
Yan yung text mo sa akin isang umaga.
Di mo man lang ba naisip na nabastos mo ako?
Isa lang ba akong gago sa tabi tabi na basta itetext mo
Nang mga salitang break na tayo?
Nakita pa nga kita bago tayo mag break
Yung babaeng mukhang biik
Nakakapit sa leeg mo, kapit na kapit
Tapos yung damit nya hapit na hapit
Yun ba yung pinalit mo
Nagbubulag bulagan na nga ako nung ako'y niloko mo?
Tapos ipagpapalit mo lang ako sa mukhang tsonggo?
Aba'y siguro ikaw nga ang may sira sa ulo
Nagalaw ata yang turnilyo dyan sa kokote mo.
O sya sige mag momove on na ako
Itetext na lang kita gago.
Sasabihin ko lahat nang hinanakit ko.
Ibalik mo na rin sana lahat ng nagastos ko sayo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon