WATTPAD
ni: Kuya IanAko ang magsisilbing Cross Sandford sa mundo mong ito at ikaw ang aking Eya,
Ako ang magpapakita na kahit sino ka man ay mahal kita,Ako ang magsisilbing Lance Mariano sa mundo mong ito at ikaw ang magiging Miyuki Parco ng buhay ko,
at ipapakita ko kung gaano ako kasadista makuha ko lang ang matamis mong 'oo'Ako ang magsisilbing Deib Lohr Enrile ng buhay mo at ikaw ang aking magiging Maxpein Del Valle Moon,
at ipapakita ko kung paanong ang pinatid ko lang noon, ay papakasalan ko na ngayon.Ako ang Timothy mo at ikaw ang magiging Miracle ko,
Ikaw ang milagro nagbigay buhay sa tulad ko,
ngunit magiging salungat kong sasabihin kong dead na dead ako sa'yo.Ako ang Kenjie at ikaw ang Athena ko,
ako ang gangster ng buhay mo,
pero handa akong magpaka-santo kung 'yan ang ikaliligaya mo,
at kahit kailan ikaw lang ang magiging isang Athena rito sa puso ko.Ako ang Sync at ikaw ang Momoxhien ko,
ikaw ang nagbibigay musika para gising ang natutulog ang puso ko,
at kahit maging Voiceless ako, pangalan mo pa rin ang isisigaw ng puso ko.Ako si Stephen at ikaw ang Naomi ko,
kahit ganoong kayaman ako,
ikaw pa rin ang kaisa-isang kayamanan na maipagmamalaki ko.Ako ang Bryle at ikaw ang Nami Shanaia ko,
at kahit for rent lang kita,
handa akong magbayad buong buhay ko,
basta hanggang dulo'y ikaw ang makasama ko.Gaya ng lahat,
Ikaw ang mambabasa at ako ang isinusulat,
ako ang ginagawa't ikaw ang bumubuklat,
at kahit nasa libro ako'y nakikita ko kung gaano ka nananabik na makita ako't makita ng lahat
na ang pangalan mo sa puso ko ay nakasulat.Piksyon man ang lahat para sa iyo,
narito naman ako, ang lalakeng hindi lang mababasa sa libro.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento