"sabi nila kapag nakakita ka raw ng gamugamo sa gabi e, papatak daw ang ulan galing sa kalangitan"
habang nakatitig ako sa labas ng bintana ng maliit na kubong tinitirhan namin e, napansin ko ang mga gamu-gamong sumasalakay papasok rito at saka sabay-sabay na umindayog sa init ng katabi kong lampara.
hanggang sa mayroon na ngang pumatak na likido, na hindi ko malaman kung saan nagmula, ang dumilig sa tigang na lupang kinapaparoonan ko
kasabay iyon ng pagsilip ko sa bintana; nakita kitang may kayakap na iba.
sa mga mata ko pala nanggaling ang mga patak ng tubig na bumasa sa aking mukha
mali ang sabi nila, dahil ang tubig na bumasa sa unan ko kagabi ay hindi pumatak mula sa langit.
-Kuya Ian
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento