...

46 2 0
                                    

"Ang ganda ng buwan 'no?" tanong mo.

"Oo, kasingganda mo."

Lumingon ka sa akin saka ngumiti.

"Kaya sa 'yo ako e!" saka marahan mo akong siniko.

"Sana nga sa akin pa rin..."

Bumalik ang pagtitig ko sa buwan at doon ko lang napagtanto, nakikipag-usap na naman pala ako sa mga alaala mo.

-Kuya Ian

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon