SA PAGMAMAHAL MO; MAY NABAWAS, MAY NAGBAGO, PERO SA KAKAIBANG PARAAN, MAY NADAGDAG
ni: Kuya Iangusto ko lang na malaman mo
na noong iniwan mo ako
e, andaming bagay na nagbago
at nabawasan
tulad na lamang ng
kung dati ay may "KAPUYATAN"
ngayon ay "PUYAT" na lang
na kung dati ay may "KABIRUAN"
ngayon ang lahat ay naging "BIRO" na lang
na kung dati ay mahilig tayong dalawa sa mga "KALOKOHAN"
at hindi ko alam
na ang gusto mo lang pala ay "LOKOHAN"
na kung dati ay lagi tayong "MAGKASAMA"
pero ngayon "SAMA" na ng tingin ko sa'yo kapag nakikita kita
na kung dati ay "MASAYANG" masaya ka kapag magkasama tayo,
ngunit ngayo'y nanghihinayang na sapagkat "SAYANG" lang ang dating 'tayo'
pero marami rin ang nagbago
gaya na lamang noong sabi mong "MAHAL NA KITA"
ngunit ngayo'y ang tanging sambit mo ay "MAHAL BA KITA? "
marami rin ang nadagdag sa eksena
gaya noong sabihin mong "KAILANGAN KITA"
na napunta sa "KINAILANGAN BA KITA? "
at ang "GUSTO KITA" mo noon
na naging "GINUSTO BA KITA? " ngayonmadaming nabawas sa 'ating dalawa
gaya ng alaala at siguro ako'y patuloy na kinalimutan na
madami rin ang nagbago tulad ng mahal mo noon
at iba na ang mahal mo ngayon
at may nadagdag na rin sa ngayon,
ang alaalang binubuo n'yo sa kasalukuyang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoesiaHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento